Thank the gods natapos ko rin ang reg!
Yun nga lang, mukhang di ko magiging classmate sina Mitch at Alec. Hay, kasabay ko pa man din silang nag-suffer through step 1 & 2… Sila kasi e! Tinamad ituloy ang reg kanina kaya tuloy napahiwalay ako sa kanila. Ah well, kaklase ko pa rin naman sina Dianne at Charles, pero mas masaya sana kung mas maraming kilala. Plus curious ako pano makipagrelate tong sina Charles, Dianne at Alec sa isa’t isa. May issue daw kasi e. Sa napansin ko dati umaalis na lang si Alec pag andun yung dalawa sa kwarto, except during classes of course, pero as much as possible nakahiwalay upuan ng tatlong to. Dunno all the details, but well, would have been fun to watch the three. Heheh, sama ko no?
Dami kong gripes about my hellish experience registering for this sem. Ayoko ng mag rant dito. Nagrant na ko kina Ana, Emma, at Tin. Tama na yun. Ayoko ko na lang isipin.
Malapit na ata akong ma-aadict rin sa Frienster. Ata.
Di ako makalaro coz too busy ang week na to. Akala ko makaka-rest na ko bukas yun pala sasama pa kami kina Tita Betty sa airport para sunduin si Tito Susing. Sana pasalubong ko boots! Hahahah!!!
About Oct.8, ewan lang mukhang malabo na makapunta ako. But if I can go, mas gusto ko plan no. 2. I dunno... Medyo di ko feel maki-relate sa mga taong di ko kilala. Minsan-minsan na lang kasi tayo magkikita tapos kailangan ko pang i-share ang time na yun trying to get along with people I don’t know? Don’t like. I guess it’s coz of my recent dealings with people I don’t know sa school na sobrang gusto kong ibitin patiwarik at ilublub sa molten lava. ^_^0
0 Comments:
Post a Comment
<< Home