Tuesday, January 20, 2004

May nagnakaw ng cellphone ko!

Isipin nyo, halos walang kwenta na nga ng cellphone na yun at second-hand pa dahil ibinigay lang sakin ng pinsan ko at halos lamog-lamog na sya dahil ilang beses ng nalaglag sa sahig pero mayroon pa ring nagkainteres! Hindi talaga ako makapaniwala! Pucha! Takti!

Hindi naman masakit ang loob ko sa pagkawala dahil nga bigay lang ang cellphone na iyon at halos sira pero ang problema nito’y magagastos ko ng wala sa oras ang perang naipon ko simula nang hindi na ako naglalaro ng Ragnarok. Nahihiya kasi akong magpabili sa aking dakilang mga magulang lalo na’t may salapi naman ako.

Nakakainis lang.

Marahil ay nagtataka kayo’t bigla akong nananagalog, di ba?

Ala, feel ko lang hehehe!!! Waaaaaaaaah... and here I was planning to buy Genrou a decent pair of speakers na pa naman... pucha namang buhay to oo!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home